Pumalo na sa 1,063 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa City of San Fernando, La Union.
59% ay mga manggagawa sa iba’t ibang pribadong establisyemento at opisina ng gobyerno sa siyudad.
Ayon sa City Health Office, sa 59% na manggagawang nabanggit ay 182 ang health frontliners habang 153 naman ang Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nasa security forces gaya ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy, at Philippine Coastguard.
Sila ang dalawang sektor na kasalukuyang may pinakamatataas na bilang ng aktibong kaso.
Dagdag pa rito, nasa 4,049 katao ang kabuuang bilang ng natukoy na close contacts ng COVID-19 positive patients.
Kaakibat nito ang kasalukuyang pagsasagawa ng siyudad ng malawakang COVID-19 testing nang sa gayon ay agad na ma-isolate at magamot ang mga nahawaan.
59%NG MGA NAGPOPOSITIBO SA COVID-19 SA SAN FERNANDO CITY, MULA SA SEKTOR NG MGAMANGGAGAWA
Facebook Comments