Inilatag na ng Cotabato City Government ang ibat ibang mga aktibidad kasabay na papalapit na pagdiriwang ng ina 59th Anniversary ng syudad.
Sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni Halima Satol, City Information Officer bagaman nagsimula na ang sports activities at ilan pang mga aktibidad, opisyal na magsisimula ang selebrasyon sa June 12 kasabay ng araw ng Kalayaan.
Kinabibilangan ito ng Cultural Presentation, Dance and Singing Competition, Culinary Arts Competition , Cosplay, Boat Race, ToyFair, FlowerHorn Competion , Mutya ng Cotabato 2018 at maaring iba pa.
Ilang mga bisita rin mula Maynila at Davao at makikisaya sa okasyon.
Kaugnay nito patuloy ang paghimok at paanyaya ng City LGU sa pangunguna ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani na bumisita at saksihan ang araw ng Cotabato sa June 20.
Matatandaang kaliwat kanang mga parangal na at pagkilala ang nakamit ng syudad sa ilalim ni City Mayor Cyn, kabilang na rito ang 2nd Safest City sa buong bansa sa unang quarter ng 2018.