Cauayan City, Isabela- Lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) kontra illegal logging ang 5th Infantry Division, Philippine Army, Regional Environmental Law Enforcement Council (RELEC) at iba pang ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ginanap sa Tuguegarao City.
Layon ng nilagdaang MOA na mapabuti ang pagpapatupad ng batas sa kapaligiran laban sa iligal na pagkuha at pagkasira ng mga likas na yaman at para sa proteksyon sa kapaligiran.
Ito’y upang mapabuti pa ng DENR ang pagpapatupad sa mga environmental laws dahil hindi umano kakayanin ng mag-isa ng nasabing ahensya.
Ayon kay DENR R02 Executive Director Gwendolyn C. Bambalan, kinakailangan ng kanilang ahensya ng mga makakatuwang upang maipatupad ng maayos ang mga batas kontra sa iligal na pagtotroso.
Suportado at nangako naman ang 5th ID na mamuno sa pagbabantay sa iligal na operasyon ng pangangahoy lalo na sa mga lugar sa Lambak ng Cagayan na may mataas na banta ng insurhensya.
Hindi umano titigil ang kasundaluhan sa pagsuporta sa kampanya ng DENR na protektahan ang kalikasan laban sa mga umaabuso.
Samantala, ang RELEC ay ang pinalawak na bersyon ng Regional Anti-Illegal Logging Task Force, ng Multisectoral Forest Protection Committee, 5th id, philippine army,