
Cauayan City — Mas pinagtibay ang ugnayan ng 5th Infantry Division (5ID) ng Philippine Army, at ng Reserve Command, Philippine Army (RCPA) upang patatagin ang estruktura ng reserve force sa Hilagang Luzon.
Sa pagbisita ni MGen Ramon P. Zagala, isinagawa ang isang Focus Group Discussion ukol sa Project TARGET o Tactical Assignment Reservists Geo-Tracking System. Layunin nito na paunlarin ang pamamahala at strategic na pagde-deploy ng mga reservist sa bansa.
Tiniyak ng pamunuan ng 5th ID ang buonh suporta nito sa mga inisyatibo ng RCPA, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng reserve force sa pagtugon sa mga kasalukuyan at lumalabas na banta sa seguridad ng rehiyon at buong bansa.
Facebook Comments









