5ID, Kinilala ng Bagong Pinuno ng Philippine Army

41

Cauayan City, Isabela- Kinilala ng bagong talagang Commanding General ng Philippine Army ang kagitingan at katapatan ng mga sundalo ng 5th Infantry ‘Star’ Division sa kanyang pagbisita at bilang Guest of Honor at Speaker sa selebrasyon ng ika-40 taong anibersaryo ng nasabing dibisyon noong Mayo 14, 2021.

Inihayag ni si Lt Gen. Jose Faustino na malaki ang naging parte ng 5ID sa pagbuwag sa mga communist terrorist group (CTG) sa Hilagang Luzon bukod sa nasasakupan nito.


Ibinahagi ng Heneral ang pagkakalunsad nila noon sa matagumpay na kampanya para mabuwag ang Communist Party of the Philippines – Far North Regional Party Committee ng North Luzon Commission.

Tiniyak naman ni Gen. Faustino na may maibibigay na tulong ang general headquarters sa 5ID para sa pangangailangan sa pagpapatuloy ng kampanya kontra insurhensiya sa area of operation at maging sa kapakanan ng bawat miyembro ng dibisyon.

Samantala, bilang bahagi ng 40th Founding Anniversary ng 5ID, iprinisenta sa mga dumalo ang mga nasamsam na matataas na kalibre ng armas na gamit pandigma ng mga kasapi ng Bagong Hukbong bayan o New People’s Army (NPA).

Facebook Comments