5ID, Nagsagawa ng Mass Swab Testing

*Cauayan City, Isabela*- Tinatayang aabot sa isang libong sundalo ang sumailalim sa swab test sa isinagawang mass testing ng 5th Infantry Division, Philippine Army kasama ang National Task Force- Aggressive Community Testing (NTF-ACT) at Base Conversion Development Authority sa 5ID Gymnasium, Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Ayon naman kay LTC Aldren A Pico MAC (PA), Officer-in-Charge ng Camp Melchor Dela Cruz Station Hospital na marapat lamang na sumailalim sa swab test ang mga sundalo na kabilang sa mga frontliners dahil hindi aniya maalis ang posibilidad na sila ay tinamaan ng virus.

Ito ay para matiyak din ang kaligtasan ng bawat Star Troopers upang mapanatag rin ang mga mamamayan sa kanilang mga isinasagawang tungkulin.


Bukod sa mga sundalo, isinailalim rin sa libreng swab test ang mga civilian resource personnel ng 5ID upang masiguro rin ang kanilang kaligtasan sa paglilingkod sa loob at labas ng kampo.

Samantala, nagpapasalamat naman si MGen Laurence E Mina, Commanding General ng 5ID sa mga Star troopers dahil sa ipinakitang pagsasakripisyo at patuloy na pakikibaka laban sa COVID-19 at pagbabantay sa iba’t-ibang mga at karatig rehiyon upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan.

Facebook Comments