5ID, PAPAIGTINGIN ANG KAMPAYA LABAN INSURHENSIYA SA KALINGA

Paiigitingin ng pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang kanilang kampanya laban insurhensiya sa Kalinga.

Kasunod ito ng nangyaring joint Provincial Development Council at Provincial Peace and Order Council meeting noong ika-18 ng Nobyembre 2022.

Tiniyak ni BGen Audrey Pasia, Commander ng 5ID na pananagutin ang mga natitirang Communist Terrorist Group sa Kalinga sa kanilang kalupitan sa mga taong nakauniporme at mga inosenteng sibilyan.

Tinalakay din ng heneral ang pagpapatupad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program sa mga dating rebelde sa Kalinga.

Gayundin ang update sa mga programa ng pamahalaan mula sa pagpapatupad ng Community Support Program hanggang sa paglipat nito sa Retooled Community Support Program.

Dagdag pa niya na malapit na matapos ang konstruksyon ng mga infrastructure projects sa iba’t ibang komunidad sa pamamagitan ng Barangay Development Program of the National Task Force-End Local Communist Armed Conflict.

Muli namang pinagtibay ni Board Member Danzel Langkit ang paninindigan ng mga yKalingas na ituring na persona non grata ang mga CPP-NPA-NDF sa kanilang probinsya na sinang ayunan din ng miyembro ng Provincial Peace and Order Council.

Facebook Comments