5ID Philippine Army, Kinokondena ang Larawang Nagpapakita ng Maling Imahe ng Kasundaluhan

Cauayan City, Isabela- Kinondena ng pamunuan ng 5th Infantry Star Division Philippine Army ang kumalat na module ng mga mag-aaral sa Baguio City na naglalaman ng mali at mapanlinlang na depiskyon ng sundalo sa isang komunidad.

Makikita sa larawan na iginuhit ni Yehlen B. Bab-Anga ang mga sundalo na nananakit, nagnanakaw, nag iinuman at gumagawa ng iba pang maling gawain.

Hindi rin umano maitatanggi na ito ay tahasang pag-atake sa kasundaluhan sapagkat makikita na ang mga larawan ng mga lalaki ay nakasuot ng ‘Army’, ‘AFP’, at ‘9th ID’ na pumapatungkol sa kasundaluhan.


Ang maling representasyon ng mga sundalo sa lehitimong aralin ng isang paaralan ay manipestasyon ng malawak na sakop ng teroristang CPP-NPA-NDF sa iba’t-ibang sektor ng pamahalaan at lipunan.

Malaking bahagi ang araling panlipunan sa paghubog ng kaisipan at perspektibo ng mga mag aaral.

Ayon sa naging pahayag ng pamunuan ng 5ID, ito ay pagyurak at pagtapak sa paglilingkod ng mga sundalo.

Hiniling naman ng kasundaluhan na hindi na mangyari ang ganitong sitwasyon lalo pa’t kaagapay hukbong sandatahan ng pamayanan sa pagsulong ng kapayapaan, kaayusan at kaunlaran.

Facebook Comments