5ID, Umapela sa Publiko sa mas Mahigpit na Pagpapatupad ng ECQ

*Cauayan City, Isabela*- Umapela ngayon ang pamunuan ng 5th Infantry Star Division, Philippine Army sa publiko na mangyaring sumunod sa mga ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon para matiyak ang paglala ng corona virus (COVID-19).

Ayon kay MGen. Pablo Lorenzo, Commanding General ng 5ID, bagama’t wala pang opisyal na pahayag si Pangulong Duterte kaugnay sa posibleng paghawak ng kasundaluhan sa pagpapatupad ng ECQ laban sab anta ng nakamamatay na sakit.

Sa kabila nito, apela niya sa publiko ang disiplina sa sarili sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kumpirmadong kaso sa bansa at upang hindi na ito madagdagan pa.


Dagdag pa ng opisyal na asahan na ang mas pinaghigpit na pagpapatupad sa mga checkpoint upang tuluyan ng makaiwas ang publiko sa banta ng nasabing sakit.

Paalala naman nito sa publiko na sundin pa rin ang mga awtoridad sa pagsusuot ng facemask bilang pang-iwas sa sakit at ugaliin ang palagiang malinis sa lahat ng uri ng bagay.

Facebook Comments