5K DAGUPEÑO INAASAHANG MAKINABANG SA GAGANAPING MEDICAL MISSION SA 2026

Tinatayang 5,000 residente ng Dagupan City ang makatatanggap ng libreng serbisyong medikal sa nakaambang medical mission na isasagawa ng St. Francis and Clair Foundation USA sa Enero 2026.

Ibinahagi ng lokal na pamahalaan na pinal na ang koordinasyon sa grupo na para sa naturang aktibidad, na gaganapin sa Dagupan City People’s Astrodome.

Kabilang sa mga libreng serbisyong ihahatid ang minor operations tulad ng local excision, local incision, at pagtutuli.

Nagkakaloob din ng dental services gaya ng cleaning, extraction, filling, at iba pang kaugnay na dental procedures para sa mga bata at nakatatanda.

Sasailalim din ang mga benepisyaryo sa optometry at ophthalmology services, habang magbibigay naman ang foundation ng libreng tungkod, saklay, at wheelchairs para sa mga nangangailangan.

Higit 70 doktor at nars mula sa Estados Unidos ang inaasahang darating upang magsagawa ng iba’t ibang health services na bahagi ng programang pinagtibay ng lokal na pamahalaan upang mas palawakin ang access ng mga Dagupeño sa serbisyong pangkalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments