5K FINANCIAL ASSISTANCE SA 5,034 NA MAGSASAKA SA BAYAMBANG, NATANGGAP NA

Aabot sa 5, 034 na rice farmers sa bayan ng Bayambang ang benepisyaryo ng financial assistance mula sa Department of Agriculture.
Tumanggap ng tig 5,000 ang mga ito sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Ang mga benepisyaryo ay pinili ng DA-RO I base sa updated Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at may sinasaka na di lalagpas sa dalawang ektarya.

Binigyang diin ng lokal na pamahalaan na ang ayuda ay natanggap ng mga magsasaka ng buo at walang anumang kaltas taliwas sa mga maling impormasyon na ipinapakalat sa social media.
Matatandaan na isang sulat naman ang natanggap ng alkalde na babawasan umano ang assistance na matatanggpap ng mga magsasaka ngunit pinabulaanan ito ng alkalde.| ifmnews
Facebook Comments