5k kaso ng harassment at hindi makataong paniningil ng utang, natanggap ng DOJ sa loob ng dalawang taon

Nakatanggap na ng halos 5,000 sumbong ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa harassment at hindi makataong paniningil ng utang mula 2020 hanggang 2022.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nasa kabuuang 4,899 na sumbong na ang natanggap ng Office of the Cybercrime dahil sa harassment at labag sa batas na paniningil ng utang mula sa mga online lending companies kung saan isinasagawa ang pananakot sa pamamagitan ng tawag o text.

Dahil dito, suportado ng DOJ ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng SIM Registration Act, upang matugunan ang mga imbestigasyon at prosekyusyon ng ahensya sa mga cybercrime related case.


Sa datos din ng National Prosecution Service, tumaas sa 1,218 ang ng cybercrimes nitong 2022, mula sa 601 na kaso noong 2020.

May 30% naman ng conviction rate ang naitala ngayong taon kumpara sa 25% noong 2020.

Samantala, umaasa naman si Remulla na mas madaling matutukoy ang mga sexual offenders at mga biktima ng online sexual abuse at exploitation ng mga bata sa bagong hakbang ng pagpaparehistro ng SIM card.

Facebook Comments