5K NA BATANG DAGUPEÑO, TARGET NA BILANG NA BENEPISYARYO NA PROYEKTONG GOODBYE GUTOM

Target na bilang ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa isinusulong na proyektong Goodbye Gutom ay nasa limang libong mga batang Dagupeño sa lungsod.
Matatandaan na nagpapatuloy ang nasabing proyekto sa mga sitio sa mga bara-barangay ng lungsod upang personal na ihatid ang masusustansyang mga pagkain tulad ng gatas, tinapay, gamut, maging ang pagpapakain sa mga kabataan.
Sakop din nito ang pagtataguyod sa kapakanan ng mga buntis, mga magulang at senior citizens.

Alinsunod ang nasabing proyekto sa 17 Sustainable Development Goals na may layong matugunan ang problema sa kalusugan ng mga bata tulad na malnutrisyon at pagkabansot, gayundin ang pagpapatibay ng food accessibility and sustainability upang mawakasan ang kagutuman.
Ilan pang mga partners ang sponsors ng LGU Dagupan ang kaisa sa adhikain at patuloy ding namamahagi ng karagdagang mga kinakailangan sa pagsasakatuparan. |ifmnews
Facebook Comments