5-M COVID-19 vaccine, naiturok noong Hunyo — NTF

Umabot sa limang milyong COVID-19 vaccine ang naiturok sa buwan lamang ng Hunyo.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 (NTF) Deputy Chief Implementer Vince Dizon, katumbas ito ng tatlong buwang vaccination rollout sa bansa.

Aniya, bumibilis na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas, na naga-average na ngayon sa 250,000 doses kada araw.


Sinabi naman ni Dizon na target ng gobyernong makapagbakuna ng 10 milyong COVID-19 vaccine doses sa buwan ng Hulyo.

Tiwala rin ang NTF na kayang mabakunahan ang hanggang 70 milyong indibidwal bago matapos ang 2021 para makamit ang herd immunity basta dumating sa bansa ang lahat ng biniling COVID-19 vaccine ngayong taon.

Facebook Comments