Irerekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III na gawin nang ‘5s’ ang kanilang ‘4s strategy’ kontra dengue.
Ayon kay Duque, maaari niyang imungkahi sa executive committee na isama ang ‘sustained hydration’ sa kanilang ‘4s strategy’ dahil mahalaga ang pagiging hydrated ng isang tao para labanan ang naturang karamdaman.
Mababatid na kabilang sa 4s ay ang ‘search and destroy mosquito breeding sites’; ‘self-protection measures’; ‘seek early consultation’; at ‘support fogging/spraying.
Kasabay nito, nagbabala rin si Duque sa pagbili ng ‘tawa-tawa’ capsules online.
Sa huling tala ng DOH, pumalo na sa 167,607 ang dengue cases sa bansa kung saan 720 na ang nasawi.
Facebook Comments