Sa pamamagitan ng isinagawang Clean-Up Day sa ARMM Compound dito sa Cotabato City ay pinangunahan ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang pormal na pagbubukas ng 5S Week 2018.
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga opisyales at empleyado ng mga opisina at regional line agencies sa rehiyon.
Ang 5S o Good Housekeeping method ay “workplace organization method” o pamamaraan ng pagsasaayos sa lugar kung saan ginagawa ang mga trabaho upang mapahusay ang gawaan at daloy ng mga trabaho, hango ito sa konsepto ng Japanese na “Seiri”, “Seiton”, “Seiso”, “Seiketsu”, at “Shitsuke” na ang ibig sabihin ay sort, set in order, shine, standardize, and sustain.
Hinikayat ni Gov. Hataman ang mga empleyado na isakatuparan ang 5S method upang maging mas mahusay at epektibo sila sa kanilang tungkulin, organisado at produktibo.
Kasabay ng aktibidad ay isinagawa rin ang unveiling ng bagong 5S character na pinangalanang Walee, na s’yang magpapalaganap ng kaligtaan at seguridad sa pook- gawaan.
Ang 5S Week ngayong taon ay may temang “Safe and Secured Workplace for Quality Governance in ARMM”.(photo credit:bpi-armm)
5S Week 2018 sa ARMM!
Facebook Comments