‘5th day Coronavirus test’ para sa mga biyaherong manggagaling sa mga bansang may travel restrictions dahil sa bagong variant ng COVID-19, aprubado na ng IATF

Aprubado na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang ‘fifth-day COVID-19 testing’.

Sa ilalim nito, lahat ng mga pasaherong manggagaling sa 34 na mga bansang sakop ng travel restrictions laban sa bagong variant ng COVID-19 ay dapat na sumailalim sa test pagkarating ng Pilipinas.

Required din silang sumalang sa pangalawang swab test sa ika-limang araw ng kanilang quarantine period.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili silang naka-isolate hangga’t hindi lumalabas ang resulta ng kanilang test.

Kung mag-negatibo sa ikalawang swab test, hindi na kailangan pang kumpletuhin ng mga biyahero ang kanilang 14-day quarantine period.

Samantala, inamyendahan din ng IATF ang nauna nitong resolusyon hinggil sa pagpapapasok sa bansa ng mga banyagang manggagaling sa mga bansang kasama sa travel restrictions.

Ayon kay Roque, exempted na sa travel restriction ang mga foreign nationals na may valid visas gayundin ang asawa at underage children na makakasama nilang bumiyahe pabalik ng bansa.

“The IATF amended its earlier resolution, IATF Resolution No 92, on all foreign travelers covered by travel restrictions because of the new COVID-19 variants by specifying those exempted, such as foreign nationals with valid visas, which include personnel of accredited international organizations, and spouse and minor children of Filipino citizens traveling with them,” ani Roque.

“Those who arrive for medical and emergency cases, including their medical escorts, if any, are now subject to applicable testing and quarantine protocols as prescribed by the Department of Health (DOH),”dagdag pa niya.

Facebook Comments