5th District ng Pangasinan humiling sa palasyo na maging isa sa Pilot Testing sa “Balik Probinsiya Program”

Lumapit sa Malacañang si Congressman RaMon Guico upang humiling na gawing isa sa pilot testing ang ikalimang distrito ng Pangasinan sa Balik Probinsiya Program. Sa panayam ng iFM Dagupan kay Guico, sinabi nito na nagpapatuloy dito ang ginagawang economic zone na nangangailangan ng maraming empleyado kung saan maaring ipasok dito ang mga magbabalik probinsiya sa lalawigan.

Aniya, dapat masiguradong magkakaroon ng trabaho ang mga magsisibalik dito, sa pamamagitan ng paggamit na rin ng agrikultura na isa sa kinabubuhay ng mga Pangasinense. Kabilang din dito ang inihain na batas ang General Minimum Wage Act na pagkakaroon ng standard na sweldo sa buong bansa bilang panghikayat sa pagsuporta sa Balik Probinsiya Program dahil isa sa dahilan ng mga nagpupunta sa NCR ay dahil sa malaking sahod dito.

Samantala, tiwala si Guico na matutupad ang hiling nito sa Malacañang upang matulungan ang mga nagnanais na makauwi at makapagsimulang muli sa Pangasinan.


Facebook Comments