5TH ID, NAKIISA SA PHILIPPINE ARMY-WIDE BLOOD DONATION ACTIVITY

CAUAYAN CITY – Nakiisa ang 5th Infantry Division, sa pangunguna ni Major General Gulliver Señires, sa malawakang Blood Donation Activity na inilunsad ng Philippine Army na isinagawa sa Tala Hall, Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela nito lamang ika-25 ng Agosto.

Mahigit isang libong sundalo naman ang lumahok sa aktibidad at nag-donate ng kanilang dugo upang maging sapat ang dugo sa rehiyon.

Binigyang diin naman ni Gng. Jovidia Aquino ang kahalagahan ng pagbibigay ng dugo.


Aniya, bukod sa makatutulong sa kapwa ay maaari pang makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit ang taong nagdodonate ng dugo.

Layunin ng aktibidad na makalikom ng dugo para sa mga taong mangangailangan nito lalo na sa mga indibidwal na sumasailalim sa mga operasyon.

Facebook Comments