Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa nationwide simultaneous Bike for Peace and Justice sa Cagayan Valley ay Cordillera region ngayong araw.
Partikular na lumahok ang mga cycling enthusiasts ng kampo ng militar na pinangunahan ni MGen. Lawrence Mina, Commander ng 5ID.
Ito ay bahagi ng matinding pagkondena sa mga kalupitan na ginawa ng terrorist group na Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Gayundin, ito ay upang mapalawak ang saklaw ng kampanya para sa kapayapaan at hustisya.
Samantala, ngayon ang ika-40 araw mula noon ng brutal na pagpatay sa magpinsang Keith at Novlen Absalon ng teroristang grupo sa Masbate City noong June 6.
Ang mga pinsan ni Absalon ay kabilang sa isang pangkat ng mga biker noong araw na pinatay sila.