Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Urdaneta City Fiesta, magsasagawa ang Philippine Red Cross – Pangasinan Chapter katuwang ang mga mall associations ng 5th Intermall Bloodletting Activity 2025 nitong Huwebes, Disyembre 4.
Ayon sa anunsyo, gaganapin ang aktibidad mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa mga malls sa lungsod na layong makapag-ipon ng dugo para sa mga nangangailangan at palakasin ang suporta ng komunidad sa mga programang pangkalusugan.
Sa social media post ng ilang malls, papamahagian ng token of appreciation ang donors na makikibahagi sa aktibidad bilang parte ng kani-kanilang campaign.
Hinihikayat ng ahensya ang publiko na makilahok sa bloodletting activities bilang bahagi ng pagtulong sa nangangailangan.
Facebook Comments









