Maaaring tangkilikin ng mga nagpaplanong bumisita sa hub ang iba’t ibang produkto food at non-food mula sa anim na bayan ng lalawigan health and wellness products, houseware and decor, furniture, indigenous fashion and accessories, wearables, at iba pang pwedeng ipanregalo at pasalubong ay mabibili sa OTOP hub.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan nina Usec. Blesila Lantayona, Asec Demphna Du-Naga, Governor Dakila Carlo E. Cua, First Lady Midy Cua, Regional Director Leah Pulido Ocampo, OIC Provincial Director Mary Ann Corpuz-Dy, at Engr. Mildred G. Austria.
Kaugnay nito, nagpamalas naman ng mini-cultural show na bahagi ng kultura ng lalawigan.
Sa ngayon, mayroong limang OTOP Hub sa rehiyon na kinabibilangan ng Tuguegarao City at Gattaran, Cagayan, Santiago City, at Bayombong, Nueva Vizcaya.
Bukas naman ang OTOP Hub Quirino Province Lunes hanggang Linggo, 8:00 AM hanggang 5:00 PM