5th round ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF – kasado na sa buwan ng Agosto

Manila, Philippines – Balik na sa buwan ng Agosto ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front.

Ito ay matapos sinuspinde ang peace talks Noong mayo 27 kasunod ng pag-anunsyo ng communist rebels na magsasagawa ng matinding operasyon laban sa tropa ng militar bilang tugon sa martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, Chief Government Negotiator –posibleng sa huling linggo ng buwan ng Hulyo o unang linggo ng Agosto ipagpapatuloy ng dalawang panig ang 5th round ng usapang pangkapayapaan.


Ang pang-limang peace talks ng pamahalaan at NDF ay una nang itinakda sa The Netherlands.

Facebook Comments