5th round ng Peace talks sa pagitan ng gobyerno at NPA nanganganib na hindi matuloy

Manila, Philippines- Hindi itutuloy ang 5th round ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at New People’s Army sa buwan ng Agosto.

Ito ay kapag itinuloy pa rin ng rebeldeng grupo ang kanilang extortion activities o pangingikil sa mga sibilyan.

Ayon kay Defense Serectary Delfin Lorenzana, nagpalabas na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte nang magkita sila kahapon sa Malaybalay Bukidnon.


Paliwanag noon pa man isinusulong na niya na magkaroon ng bilateral ceasefire ang magkabilang panig at tanggalin na ang extortion activies bilang sine qua non para sa peace talks.

Maliban sa extortion activities, ipinatitigil din ng pangulo ang pag atake ng rebeldeng gropo sa government forces.

Siniguro naman ng kalihim na 100 porsyento niyang suportado ang peace talks kapag nasunod ng rebeldeng grupo ang mga inilatag na kondisyon ng pamahalaan

Una nang kinansela ng pamahalaan ang 5th round ng peace talks noong may 27 sa the Netherlands makaraang maghayag ang rebeldeng grupo na paiigtingin pa nila ang pag atake sa gobyerno.

Facebook Comments