5th Wave ng Rice Subsiby ipinamahagi na Carmen LGU

Naihatid ng matagumpay at matiwasay ng LGU Carmen ang 5th wave ng Rice Subsidy sa lahat ng 28 barangays sa bayan ng Carmen sa lalawigan ng North Cotabato.
Ang pamamahagi ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan at Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWD Officer Elena C. Dapon kaagapay ang Municipal PNP.
Ang naturang sabsidiya ay galing sa pondo ng bayanihan grant to cities and municipalities o BGCM.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Moises C. Arendain sa lahat ng departamento at empleyado na tumulong mula sa repacking hanggang distribution ng 10kilos na bigas sa lahat ng barangay ng munisipyo.
Lubos naman ang kagalakan ng Carmenians sa hindi inaasahang muling pagbibigay ng LGU ng rice subsidy sa gitna ng Covid 19 pandemic crisis.(Daisy Mangod)

Facebook Comments