6.4M HALAGA NG SHABU, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA DAGAT

CAUAYAN CITY – Isang plastic pack ng shabu ang natagpuang palutang-lutang sa dagat na sakop ng Abulug at Ballesteros, Cagayan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng iFM News Team mula sa Cagayan Provincial Office, isang mangingisda ang nakatuklas sa nasabing kontrabando.

Nang siyasatin nito ay nagdudad ito sa nilalaman ng plastic kung kaya kaagad nitong isinurrender sa Cagayano Cops.


Sa ginawang eksaminasyon, lumalabas na may bigat itong 950 gramo at nagkakahalaga ng aabot sa P6,400,000 piso.

Samantala, kasalukuyan naman itong sinusuri ng Regional Forensic Unit upang kumpirmahin ang nasabing shabu.

Magugunita na nitong nakaraang linggo lamang, may narekober rin na kontrabando na may nakasulat na chinese characters sa dalampasigan ng Sanchez Mira, maging sa karagatang sakop ng Fuga Island, at sa bahagi ng Naguilian, Calayan kung saan ay nakumpirma na ang mga ito ay shabu batay sa naging pagsusuri ng mga otoridad.

Facebook Comments