6.5-M deactivated voters, hinikayat na magparehistro na sa 2022 national elections

Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang nasa 6.5M deactivated voters na i-reactive na ang kanilang voting status.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, maaari itong gawin sa pamamagitan ng website ng COMELEC.

Kailangan lamang aniyang magpadala ng email sa comelec.gov.ph.


Sa ngayon, umakyat na sa 61 milyon ang bilang ng mga botanteng nakapagparehistro para sa 2022 national elections.

Sa September 30 ang deadline ng voters registration para sa nalalapit na halalan.

Habang ang filing naman ng Certificate of Candidacy (COC) ay nakatakda sa October 1-8, sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Facebook Comments