Nakakolekta ng mahigit 6.5 libong kilo ng plastic na basura sa lalawigan ng La Union bilang bahagi ng pinaigting na hakbang ng pamahalaang panlalawigan laban sa lumalalang problema sa plastic waste.
Isinagawa ang koleksyon sa pamamagitan ng Aling Tindera Program, kung saan umabot sa kabuuang 6,580 kilo ng malinis at tuyong plastics ang nakolekta mula sa iba’t ibang pinanggalingan ng basura.
Ang mga nakuhang plastik ay itinuturing na diverted waste, na sa halip na mapunta sa tambakan ay naipon para sa wastong pagproseso at muling paggamit.
Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Provincial Environment and Natural Resources Office, pribadong sektor, at iba pang katuwang na organisasyon na may layuning bawasan ang plastic waste sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









