6-7 percent na mga batang ina, nabuntis ng mga matatandang lalaki

Ikinaalarma ng mga mambabatas ang lumabas na pag-aaral na 6 hanggang 7 percent ng mga batang ina sa bansa ay nakipagtalik at nabuntis ng mga mas matatandang lalaki.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas sa pag-aaral na mas matanda ng sampung taon o higit pa ang mga lalaking nakabuntis ng mga menor de edad.

Sinabi ni Senator Sonny Angara na bukod sa social at moral issues ang pagbubuntis ng mga bata at teenager, seryoso din ang dulot nito sa kalusugan at kinabukasan ng isang kabataan.


Tinukoy ni Senator Raffy Tulfo na 97% ng mga menor de edad na nabuntis ay nakipagtalik sa mga adult o nasa hustong gulang na.

Maging ang United Nation Population Fund (UNFPA) ay nagpahayag ng pagkabahala sa Senado dahil kahit bumaba na ang bilang ng mga teenager na nabubuntis, nananatili pa rin ang Pilipinas sa may mataas na teenage pregnancy sa mga bansa sa Asya.

Dahil dito, hiniling ni Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairman Senator Risa Hontiveros na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng bagong kapapasang batas na “Raising the Age of Consent Law”.

Facebook Comments