Umabot na sa ₱6.71 billion na halaga ng financial assistance ang naipaabot sa 6.71 million beneficiaries sas NCR plus bubble.
Sa monitoring report ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang mga Local Government Unit (LGU) sa NCR plus bubble ay nakapag-disburse na ng higit ₱6.71 billion na halaga ng ayuda.
Katumbas nito ng 29.3% ng 22.9 million low-income earners na target maabutan ng financial assistance.
Mula sa 11.1 million target recipients sa Metro Manila, nasa 4.48 million ang nabigyan ng ayuda.
Sa Cavite, Laguna at Rizal ay nakapamahagi ng ₱1.87 billion na halaga ng ayuda sa 1.87 million beneficiaries.
Muling iginiit ng DSWD na ang listahan ng mga benepisyaryo ng Emergency Subsidy Program ay nagsisilbi lamang na reference para tukuyin ang mga indibiduwal na dapat mabigyan ng ayuda sa mga lokalidad.