6.8 million pesos na halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust operation sa Makati City

Aabot sa 6.8 million pesos na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng NCRPO at Makati PNP sa buybust operation sa Makati City.

Sa naturang buy-bust operation, naaresto sa Tejeros St. Makati City ang mga suspek na sina Agatha Caray, 45 yrs old, Mary Grace Caray, 41 yrs old, Abegail Calves Caray, 37 yrs old, at Jovy Linares Ribaja, 37 yrs old.

Nabatid na isang pulis ang nagpanggap na buyer sa bahay ng mga suspek kung saan nakuha mula dito ang isang package na nakabalot ng brown packaging tape na naglalaman ng isang kilo ng shabu.


Bukod sa shabu, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang isang signature bag, cellphone na ginamit ng mga ito sa kanilang transaksyon sa pagtutulak ng ilegal na droga at buy-bust money.

Facebook Comments