Sa kasagsagan ng routine inspection ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), natuklasan ng mga ito ang tinatayang 6.8 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa Matnog Port, Sorsogon.
Ang isang kilong shabu ay natunton ng mga awtoridad sa tulong ng isang K-9 dog ng PCG.
Agad na nakipagtulungan ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine Ports Authority (PPA) sa pagsasagawa ng inisyal na imbestigasyon.
Layon nito na mahuli ang mga suspek sa likod ng pagpupuslit ng iligal na droga sa kasagsagan ng peak season.
Facebook Comments