6-ANYOS NA BATA, NALUNOD SA BUED RIVER SA MANAOAG

Patay ang 6-anyos na Grade 1 student sa Manaoag matapos malunod sa ilog sa pagitan ng mga barangay ng Sapang at Pao.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) Manaoag, nadiskubre ang katawan ng biktima hapon ng Oktubre 25.

Sa salaysay ng kaibigan at kasama ng biktima, tumalon daw ito sa ilog upang maligo ngunit nahirapan itong lumangoy.

Sinubukan ng mga itong humingi ng tulong mula sa barangay, ngunit pagbalik ay hindi na nila ito makita.

Katuwang ang mga ahensya ng bayan, narekober ang katawan ng biktima na kinilalang residente ng barangay Pugaro.

Samantala, tinatayang higit-kumulang 14 na kaso na ng pagkamatay sa pagkalunod ang naitalang sa Pangasinan nitong taon.

Facebook Comments