6-anyos na biktima ng bullying, nagsuot ng ‘I will be your friend’ T-shirt sa unang araw ng klase

Image by Unfading adornments on Facebook

Adbokasiya ang baon ng isang estudyante sa unang araw ng klase sa North Fayette Elementary, sa Georgia, Agosto 5.

Kaiba sa tipikal na porma ng mga kaedaran, suot-suot ng 6-taon gulang ni Blake Rajahn ang agaw-pansin na orange T-shirt na may mensaheng “I will be your friend.”

Kuwento ng nanay ni Blake sa isang Facebook post, dahil mayroon silang custom clothing business, pinapili niya ang anak ng gusto nitong disenyo ng damit bilang back to school gift.


Taliwas sa inakala niya na pipili ito ng mga disenyong may kaugnayan sa sports na hilig ni Blake ang makaantig-dadamdaming request nito.

“He thought a while and said, ‘Will you please make me a shirt that says “I will be your friend” for all the kids who need a friend to know that I am here for them?’”

“Never underestimate your kid’s heart for others! I love my sweet Blake!” ani Rajahn sa post.

Ayon sa nanay, minsan na rin naging biktima ng bullying sa school si Blake na marahil ay pinaghugutan ng bata.

Gusto niya raw ipaalam sa mga bagong makakasalamuha na puwede siyang maasahan at maging isang kaibigan.

Sa dami ng natuwa sa Facebook post tungkol dito, may mga um-oorder na raw ng T-shirt ni Blake, ayon sa nanay.

Hindi rin daw gaanong maintindihan ng bata kung bakit nag-viral o naging malaking bagay online ang kanyang T-shirt.

“He doesn’t think anything of it, actually. He is a little confused as to why it is such a big deal because he thinks everyone thinks the same as him,” sabi ng nanay.

Dahil sa dumagsang order, napagdesisyunan nilang ibenta ang “I will be your friend” T-shirt at i-donate ang ilang bahagi ng kikitain nito.

Facebook Comments