6 arestado sa Lungsod ng San Juan matapos mahuling nag-iinuman sa gitna ng curfew

Arestado ang 6 na magkakaibigan na nag-iinuman sa kalsada habang umiiral ang curfew dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay San Juan Police Chief Colonel Jaime Santos, nahuli ang 6 kagabi sa V. Cruz St. Barangay Sta. Lucia, San Juan City.

Paliwanag ng opisyal, nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan ng Barangay nang matyempuhan ang 6 na mga magbabarkada  nag-iinuman.


Pahayag ni Colonel Santos sinita ng mga Barangay tanod pero sa halip na makinig at umuwi sa mga bahay ay nagmatigas pa at binalewala ang babala ng mga taga Barangay.

Dahil dito, rumesponde na ang mga pulis at inaresto ang 6 dahil sa non-cooperation sa ECQ at Disobedience to Person in Authority.

Facebook Comments