Cauayan City, Isabela- Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 ang walong barangay bilang ‘drug cleared’ matapos ang masusing evaluation na ginawa ng Regional Oversight Committee ng ahensya.
Kinabibilangan ito ng mga barangay District 1 at District 2 ng Benito Soliven; mga barangay ng Baringin Sur, Faustino, Gagabutan, San Luis, Sta. Luciana, at Villaluna sa Cauayan City,Isabela.
Personal na iniabot ng mga kasapi ng ahensya ang sertipikasyon bilang patunay na sumailalim sa masusing evaluation ang mga naturang mga barangay mula sa presensya ng iligal na droga.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng pulisya at opisyal ng mga barangay na tuloy-tuloy na ang kawalan ng droga sa mga komunidad.
Hinimok naman ng PDEA Region 2 ang publiko na suportahan ang kampanya ng pamahalaan para labanan ang illegal drugs.