Manila, Philippines – Negatibo ang report na may anim na barkong inarkilahan ng mga kalaban ng Duterte administration para maghakot ng mga raliyista mula sa Visayas at Mindanao.
Ito ay kinumpirma ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa batay na rin aniya sa kanilang ginawang beripikasyon sa mga shipping industries sa Visayas at Mindanao.
Ayon pa kay Dela Rosa, normal ang volume passenger sa mga barko nitong mga nakalipas na araw.
Sinabi pa ni Dela Rosa na may report siyang nakuha na may limangpung pampasaherung dyip pa nga raw ang nakahanda para sumali sa rally sa may southern part ng Metro Manila pero puro driver lamang aniya ang laman ng dyip at walang mga sakay.
Sa ngayon, nanatili aniyang payapa ang National Day of protest at wala silang namomonitor ng anumang kaguluhan.