6 Bayan Kabilang ang 2 Coastal Areas sa Isabela, COVID-19 Free na rin

93

Cauayan City, Isabela- COVID-19 free na ang anim (6) na bayan sa Lalawigan ng Isabela kabilang ang dalawang coastal town batay ito sa inilabas na datos ng Provincial Information Office ngayong araw.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Cabagan, Dinapigue, Palanan, Quirino, San Guillermo, at Sto. Tomas.

Bukod dito, mayroon na lamang tig-dalawang aktibong kaso ang mga bayan ng Divilacan, Burgos, Mallig, Reina Mercedes, at San Manuel habang isang kaso nalang ang binabantayan sa San Agustin.


Kaugnay nito, bumaba na lamang sa 279 ang active cases ng Isabela kabilang na rito ang siyam (9) na indibidwal na nagpositibo sa sakit.

Samantala, nakapagtala na ng 2,051 death case ang Isabela, mas mababa kumpara sa Cagayan na nakapagtala ng 2,139.

Naitala naman ang 57 new recoveries sa probinsya kung saan umabot na sa 58,291 ang total recoveries.



Bagama’t bumaba ang bilang ng active cases sa Isabela, patuloy pa rin hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ang mga Isabeleño na sumunod pa rin sa umiiral na protocol para maiwasan ang hawaan ng virus.

Facebook Comments