Cauayan City, Isabela- Anim na bayan sa Cagayan ang kumpirmadong ASF-Free na batay sa datos ng Provincial Veterinary Office mula buwan ng Enero 2021 hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Veterinarian II Dr. Myka Ponce, kinabibilangan ng mga bayan ng ng Sta. Teresita, Lasam, Sta. Praxedes, Calayan, Peñablanca at Rizal ang naitalang ASF-Free habang 23 na bayan ay apektado ng virus kung saan maraming alagang baboy ng mga hog raisers ang tinamaan ng sakit.
Matatandaan na unang nakaranas ng 1st wave noong Nobyembre 2012 hanggang Marso 2020,2nd wave naman noong Setyembre hanggang Disyembre noong nakaraang taon habang January 2021 hanggang sa ngayon ay mayroong 9,654 na alagang baboy ang isinailalim sa culling kung saan apektado ang mahigit sa 2,000 hog raisers.
Samantala, patuloy naman ang pamamahagi ng financial assistance sa mga apektadong magsasaka kung saan mahigit P14-M ang naipamahagi ng Provincial Government.
Apektado na rin sa ngayon ang mga baboy na nasa slaughter house ng Alcala, Ballesteros, Gonzaga, Camalaniugan at Lal-lo.
Ito ay matapos na magsagawa ng blood sample collection ang PVET dahil sa nakita rito na isa sa pinagmumulan ng virus ay ang mga asymptomatic na baboy o walang palatandaan na sila ay kinapitan ng ASF.