6 bayan sa Isabela, Nasa “Critical Risk Epidemic” dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Ikinategorya sa “critical risk epidemic” ang labing apat (14) bayan sa rehiyon dos.

Sa pinakahuling datos ng DOH Region 2, kabilang sa 14 lugar ay ang mga bayan ng Peñablanca, Camalaniugan, Claveria sa Cagayan; Gamu, Cordon, Ramon, Cabatuan, Naguilian at Burgos sa Isabela.

Maging ang bayan ng Cabarroguis,Diffun at Maddela sa Quirino province; Kasibu, Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya.


Ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng critical risk nakapagtala ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.

Ayon sa DOH Region 2, ang mga nabanggit na bayan dati ay wala o kakaunti lamang ang aktibong kaso pero sa loob lamang ng ilang araw ay bigla itong dumami.

Gayunman, nilinaw nito na hindi ibig sabihin na ang mga nasabing bayan na nasa critical epidemic risk classification ang siyang may pinakamataas na kaso sa ngayon.

Nananatili pa rin ang Tuguegarao City na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.

Facebook Comments