6 Chinese navy ships at higit 200 militia vessels, nasa West PH Sea

Naispatan sa loob ng West Philippines Sea ang anim na barko ng Chinese Navy, kabilang ang tatlong warships.

Ayon sa National Task Force on the West Philippines Sea (NTF-WPS), nakita ng mga patrol ang dalawang Houbei class missile warships sa Panganiban Reef, isang Corvette class warship sa Kagitingan Reef, at isang navy tugboat sa Zamora Reef.

Mayroon ding dalawang People’s Liberation Army Navy vessels sa Bajo de Masinloc.


Ang mga barkong ito ay patunay na pinalalakas ng China ang kanilang militarisasyon sa lugar.

Bukod dito, nasa 240 Chinese militia vessels ang nakakalat sa karagatang malapit sa Kalayaan, Palawan na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Mula sa nasabing bilang 136 ay nasa Burgos Reef, siyam ang nasa Julian Felipe Reef, 65 sa Chigua Reef, anim sa Panganiban Reef, tatlo sa Zamora Reef, apat sa Pag-asa Islands, isa sa Likas Island, lima sa Kota Island, at 11 sa Ayungin Shoal.

Ang mga Chinese fishing vessels na nakahimpil sa lugar ay kayang makahuli ng isang toneladang isda o katumbas ng 240,000 kilo ng isdang ninakaw sa karagatan ng Pilipinas.

Sa hiwalay na patrol, ilang Chinese poachers ang nangongolekta ng mga malalaking tulya o kabibe sa Pag-asa Islands.

Facebook Comments