6 Estudyante, Kinilala sa Piso Ko Project 2nd Family Day!

Gamu, Isabela – Kinilala ang anim na estudyante na nakapagtapos na ng Senior High School at Grade Six sa ginanap na Piso Ko Project 2nd Family Day sa Headquarters ng 5th Infantry Star Division.

Ayon kay Army Captain Ernan Capulong ng 1st Light Armor Company, ang anim na estudyante ay mula sa 24 na nabiyayaan ng Piso Ko Project at mabibigyan umano sila ng premyo dahil sa kanilang pagsisikap na makatapos ng pag-aaral.

Nakiisa din umano ang lahat ng estudyante ng Piso Ko Project na mula sa bayan ng Gamu at Ilagan sa mga palaro gaya ng raffle games at iba pang akribidad.


Samantala ang Piso ko Project ng 1st Light Armor Company ay makakarating din umano sa probinsya ng Kalinga sa mga susunod na araw kung saan ay pipili rin ng mga estudyante na mahirap ngunit may kakayahan na makapag-aral kung saan mabibigyan ng libreng gamit sa pag-aaral, pagkain at pamasahe sa darating na pasukan.

Facebook Comments