6 game winning streak ng Milwaukee Bucks, pinutol ng OKC Thunder

Pinutol ng Oklahoma City Thunder ang six game winning streak ng Milwaukee Bucks sa kanilang naging laban kanina sa NBA.

Tinalo ng Thunder ang Bucks sa score na 118-112.

Bumida sa panalo ng Oklahoma sina Paul George na may 36-points at 13-rebounds at Russel Westbrook na may 13-points, 13-rebounds at 11-assists.


Dahil sa panalo, nanatili sa ikatlong pwesto sa team standings sa Western Conference ang Thunder na may 31 na panalo at 18 na talo.

Facebook Comments