Anim na lalaking estudyante mula sa Philippine Science High School (PSHS) ang pinangangambahang hindi makaka-graduate matapos maharap sa kasong child abuse at cybercrime.
Nag-post umano online ang anim na estudyante ng mga pribado, hubad na litrato at videos ng limang babaeng estudyante–ilan dito ay napabalitang minor-de-edad pa.
Ayon kay Dr. Lawrence Madriaga, PHS main campus director, nagsampa na ng reklamo laban sa anim na estudyante ang isang babaeng biktima.
Pinaliwanag din ni Madriaga na anim lang sa sampung akusado ang inirekomenda “for non-graduation” dahil depende umano ito sa bigat ng offense at lebel ng pakikisangkot.
“We and the board had the same classification of the offense. Like we said, it’s level three, and they agreed that it’s level three, kaya lang nagkaiba dun sa ilang counts ng level three dapat. So, what’s the implication of that? If you only have one level 3 appreciation of the BOT, you can still graduate unlike multiple level 3s,” paliwanag ni Madriaga sa isang panayam.
Nagsagawa naman ng rally ang ilang estudyante, guro, at alumni matapos mapag-alaman ang desisyon ng Board of Trustees (BOT) na patawan lamang ng 30 araw ng community service ang anim na estudyante.
Sagot naman ni Madriaga rito, nirerespeto niya ang ginawang aksyon ngunit mas makabubuti aniya kung idadaan ng mga nag-protesta sa “formal appeal” sa BOT.
“While we recognize the fact na they have the right to express, the official thing to do is put it in writing,” ani Campus director.
Nakatakda ang graduation ceremony ng nasabing school sa May 29.