Hindi naabot ng pamahalaan ang target na paglago ng ekonomiya ng bansa noong 2023.
Sa isinumiteng report ng National Economic Development Authority (NEDA) sa Office of the President, tinukoy ng NEDA ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ng 5.6% ang year-on-year growth, na mas mababa ito sa target na 6% hanggang 7% na target.
Gayunpaman, sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan, na isa pa rin ang Pilipinas sa maituturing na best performing economies sa Asya.
Nabatid na pumangalawa ang Pilipinas sa pinakamabilis na umuusbong na ekonomiya sa Asya, kasunod ng Vietnam na may 6.7%
Naungusan din ng Pilipinas ang China na may 5.2% at Malaysia na may 3.4%
Paliwanag ng NEDA, nakatulong dito ang capital at household spending sa paglakas ng demand.
Para naman maabot ang target ay kailangang mapanatili ang pagtugon ang limitasyon sa suplay, mapaluwag ang restriksyon sa pamumuhunan, at protektahan ang purchasing power ng mga Pilipino.