6, huli matapos patayin ang isang babae at 4 nitong anak

Odisha, India – Arestado ang anim na kalalakihan matapos patayin ang isang babae at apat nitong anak dahil sa paghihinalang mangkukulam ito

Pumasok sa bahay ng biktimang si Mandri Munda ang mga lalaking suspek na pawang magkakamag-anak kung saan isa sa mga ito ay albularyo.

Ayon sa pulisya, ginamit ng mga suspek ang isang landok o crowbar at pinaghahampas ito sa biktima at sa mga anak nito na may edad 4-taon, 7-taon, 12-taon, at 10 buwang gulang hanggang sa mamatay.


Itinapon din ang mga bangkay nito isang balon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong murder, criminal conspiracy at witch-hunting.

Base sa national crime records bureau, umabot na 134 na tao ang namatay nitong 2016 dahil sa inaakusahang nagpa-practice ng ‘black magic’ o ‘witchcraft’.

Facebook Comments