6 kataong dumalo sa isang burol sa US, patay dahil sa COVID-19

(Unsplash)

Patay ang anim na residente ng South Carolina kabilang na ang isang mag-asawa dahil sa COVID-19 ilang linggo matapos umano silang dumalo sa parehong burol.

Ayon sa report ng The State, pare-parehong mga African Americans ang mga nasawi na may edad 60 pataas.

Sa ulat ng coroner ng Sumter County kung san nakatira ang karamihan sa kanila, malaki ang posibilidad na nakuha umano nila ang sakit sa isa ring dumalo sa burol noong Marso.


Nang umuwi raw sa kani-kanilang mga tahanan, nagsimula nang magkasakit ang mga matatanda hanggang mauwi sa kamatayan.

Dahil sa trahedya, naglabas ng panibagong prootocol ang Centers for Disease Control ang Prevention noong Marso 16 sa mga funeral directors tungkol sa mga isasagawang funeral services.

Pinayuhan ang mga ito na i-livestream na lamang ang mga gagawing serbisyo para masunod ang social distancing restrictions nang maiwasan ang anumang pagkalat pa ng virus.

Samantala, mayroon ng naitalang mahigit 3,600 kumpirmadong kaso ng coronavirus sa South Carolina at 107 bilang ng mga nasawi noong Miyerkules ayon sa state health department.

Facebook Comments