6 MILYONG HALAGA NG ABONO, IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA MANGALDAN

Nagsimula na ang pamamahagi ng libreng abono sa mga magsasaka sa bayan ng Mangaldan na naglalayong maiangat ang industriya ng pagtatanim ng palay.

Bahagi ito ng programang Rice competitiveness enhancement FUND (RCEF) at fertilizer assistance ng pamahalaan.

Nasa 2, 000 magsasaka sa bayan ang nabigyan ng abono na nagkakahalaga ng 6 milyong piso. Inaasahang ng mga magsasaka sa bayan na dadami ang kanilang ani dahil sa ibinigay na abono.


Bukas nakatakdang magsagawa ng distribusyon ng abono ang lokal na pamahalaan sa iba pang mga magsasaka ng bayan. | ifmnews

Facebook Comments