6 milyong indibidwal makikinabang sa mahigit 700 free wifi sites na itatayo – DICT

Mahigit pitong daang free wifi sites ang itatayo ng pamahalaan sa ilalim ng inaprubahang Philippine Digital Infrastructure Project.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Undersecretary Jeffrey Ivan Uy na karamihan sa 772 na free wifi sites ay itatatag sa Mindanao partikular sa Davao Region at Caraga.

May minimum speed itong 50 mbps na maaari pang umabot hanggang 200 mbps.


Inaasahang nasa lima hanggang anim na milyong indibidwal ang makakagamit ng libreng wifi, at posibleng madagdagan pa sa mga susunod na taon na napapakinabangan na ito.

Ayon pa kay Uy, Makatutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya ang pagpapalakas ng internet sa bansa.

Facebook Comments