Kasabay nito ang pag-arangkada ng 6 Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ) Class 3 units na may rutang Bambang, Nueva Vizcaya- Santiago City, Isabela.
Ang MPUJ Class 3 ang mayroong Euro-4 engines, 23-seating capacity at accessories tulad ng dashcams, CCTV, speed limiters, Automatic Fare Collection System (AFCS), at WiFi.
Ang FNVTTC ay isa sa mga transport cooperative sa Nueva Vizcaya na magpapatakbo ng Modernized PUJ at ngayon ay otorisado na magbiyahe ng mga pasahero sa rutang kanilang inaplayan alinsunod sa umiiral na batas.
Ang PUV Modernization Program ay ang flagship, non-infrastructure project ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naglalayong magbigay ng komportableng buhay ang lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng isang ligtas, abot-kaya at environmentally-sustainable na pampublikong sistema ng transportasyon sa bansa.
tagas: LTFRB, Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ), Luzon